43

By

Julie Anne, Kiko, Gil serye tsutsugiin na

Sharing is caring!

Marami man ang naiinis sa mga karakter nina Mickey Ferriols, Isabelle de Leon, at Jazz Ocampo bilang mga kontrabida sa buhay ni Julie Anne San Jose sa My Guitar Princess, mami-miss pa rin daw sila ng mga viewer lalo na’t ilang araw na lang ay magtatapos na ang musical rom-com series.

Pinuri ng mga viewer at netizen ang pagganap nila bilang sina Mariah, Taylor at Katy dahil kahit lagi nilang inaapi si Celina (Julie Anne) ay nakaka-good vibes pa rin daw ang akting ng mga ito.

Nakakatawa kasi ang delivery nila ng kanilang lines sa mga eksena, lalo pa nang pinagplanuhan nila ang pagpapabagsak kay Celina. Aliw raw ang pagiging sosyalera ni Mariah; pagtataray ni Taylor; at pagiging kikay ni Katy.

Humanga rin ang mga manonood sa galing ni Isabelle sa pagkanta. Pero magtagumpay nga kaya sila sa pagpapabagsak sa ating bida? Abangan ‘yan sa nalalapit na pagtatapos ng My Guitar Princess ngayong Biyernes (Hulyo 13) bago mag-Eat Bulaga sa GMA 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?