808

Oct 16, 2017 @ 15:48

Julie Anne, bantay-sarado ng ina kay Benjamin Alves

Nanatiling matatag ang relasyon nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose. Ang pagiging maunawain at tiwala sa isa’t-isa ang nakikitang factor ni Benjamin kung bakit nagtatagal ang kanilang relasyon ni Julie Anne.

Naiintindihan daw ng isa’t-isa ang demand ng trabaho nila bilang mga artista ng serye. Kapag nagkaroon daw siya ng libreng oras, dinadalaw ni Benjamin si Julie.

‘Yun nga lang, never pang nagbakasyon sa abroad o probinsya sina Benjamin at Julie Anne dahil sa sobrang busy ng kanilang schedule. Hindi pa rin daw nila napag-uusapan ang tungkol doon.

Wala raw problema kay Benjamin kung kailangan pa ng chaperone ni Julie Anne sa kanilang bakasyon. Hindi pa raw kasi ito umaalis nang walang kasama, partikular na ang kanyang ina na kahit saan magpunta ang aktres ay ito ang kasama.

Hindi rin nakikita ni Benjamin na dalhin si Julie Anne sa Guam para doon mag-Pasko at Bagong Taon. Pero, nakilala na raw ng singer-actress ang parents ni Benjamin noong dumating ang mga ito sa Pinas.

Kasama rin sa Spirit of the Glass 2, The Haunted si Benjamin. (REY PUMALOY)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?