714

By

Julie Anne ayaw paapekto sa hiwalayan kay Benjamin

Sharing is caring!

Bilib kami sa Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose dahil sa kanyang pagiging professional.

Nagagawa pa rin kasing humarap at ngumiti ni Julie sa maraming tao kahit na alam niyang napag-uusapan ang paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Benjamin Alves.

Noong gabi ng #PamaskongKapuso2018 Christmas Party for the Press ng GMA-7, nag-perform si Julie para mapasaya ang mga dumalong entertainment press. Pero noong araw na iyon ay lumabas ang balitang in-unfollow nina Julie at Benjamin ang isa’t isa sa Instagram.

May mga nag-usyoso sa mga IG account ng dalawa para lang malaman kung pina-follow pa nila ang isa’t isa. Matagal na kasing walang pino-post si Julie na photo nila ni Benjamin at si Benjamin naman ay naka-private na ang IG account.

Kapag hinanap ang name ni Benjamin sa 913 account na pina-follow ni Julie, hindi lumabas ang name ni Benjamin kundi “No user found”. Nakakaintriga rin ang isang caption ni Julie na “Thank you, next”.

Ang “Thank you, next” ay title ng breakup song ni Ariana Grande sa kanyang ex-fiance na si Pete Davidson.

Gano’n pa man, mukhang hindi pinapabayaan ni Julie na maapektuhan ang kanyang trabaho sa nangyari sa kanila ni Benjamin.

Wish naman ng 1.3 million followers ni Julie na anuman ang pinagdaraanan nito ngayon, manatili itong masaya dahil marami pa ang nagmamahal sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }