105
views

By

Juliana Parizcova Segovia, wagi sa ‘Miss Q&A’ ng ‘Showtime’

Sharing is caring!

Si Juliana Parizcova Segovia mula sa Pasay City ang tinanghal na unang nanalo sa “Miss Q&A” sa “It’s Showtime” na ginanap ngayong Sabado.

Napanalunan niya ang grand cash prize na P1 million na hiwalay pa sa ibang papremyong nakuha niya kabilang na ang trip sa Thailand.

Nanalo si Segovia dahil sa nakakaantig niyang sagot sa tanong sa final round hinggil sa kahalagahan ng pamilya pati na ang pagmamahal nito sa kanyang ina.

Samantala, tinanghal na first runner-up sa kompetisyon si Matrica Mae Matmat Centino habang second runner-up si Lars Pacheco. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?