abante-tnt-vismin-julian-ella
By

Julian Trono gustong sapakin ni Ella Cruz

Sharing is caring!

“Sapakin ko siya!” Ito ang pabirong reaksiyon ni Ella Cruz nang kulitin namin siya tungkol sa sinabi noon ni Julian Trono na may idi-date siya, pero biniro namin si Ella na paano kung hindi siya.

Kinulit kasi namin ang bida ng pelikulang Cry No Fear sa tila nanamlay na samahan nila ng actor-dancer unlike before na super-sweet sila lalo na sa promo noon ng pelikulang Fanboy/Fangirl.

Pero ayon sa paliwanag niya ay okey pa naman daw sila ni Julian. Very close pa rin sila at nagkikita pa naman.

Kahit nga raw sa promo ng Squad Goals na part din siya ng cast ay talagang umiwas sila na magpaka-close dahil tungkol sa barkadahan naman ang movie.

Sabi pa niya, kung sinuman ang idini-date ni Julian, siya raw mismo ang tanungin namin dahil ayaw naman niyang maging asyumera, noh!

Pero ‘yun nga ang twist, kapag hindi raw siya, sasapakin daw niya ito but of course, nagbibiro lang naman si Ella.

Sa June 20 na pala ang showing ng Cry No Fear na ginawa ni Direk Richard Somes for Viva Films.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?