55

Oct 7, 2021 @ 14:26
By

Julian Ongpin lumitaw na sa NBI, isiniwalat mga nangyari bago masawi ang dyowang artist

Nagpakita na si Julian Ongpin sa National Bureau of Investigation nitong Miyerkoles matapos bigyan ng subpoena kaugnay sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson.

Ayon sa ulat ng GMA News, kasamang dumating ng anak ng business tycoon na si Bobby Ongpin ang kanyang mga abogado at rumekta sa invetsigators ng Death Investigation Division and Special Projects Team.

Kuwento ni Ongpin, nag-check in sila ng kanyang nobya sa isang hotel sa La Union noong Setyembre 17.

Nagtungo sila sa isang bar pasado alas-9 ng gabi at uminom kasama ang ilan nilang kaibigan.

Bandang 11:30 ng gabi, nagpunta sa ibang venue ang dalawa at uminom muli kasama ang anim nilang kaibigan.

Ani Ongpin, uminom ng gamot tulad ng tranquilizers at anti-depressants si Bree na siyang reseta sa kanya ng mga doktor.

Sambit ni Ongpin, pasado alas-2 na ng umaga sila nakabalik sa hotel at doon na nila sinubukang ayusin ang kanilang relasyon.

Pahayag niya, nakaramdam siya ng “insecurity” kaya lumabas ng kuwarto para magpahangin.

Nang bumalik na siya sa kwarto ay hindi na raw niya nakita si Bree kaya agad nitong inakyat ang bintana ng CR at doon niya na nakitang nagbigti umano ang 30 anyos na artist gamit ang kurtina.

Dahil dito, agad niyang sinira ang pinto ng CR at ibinaba ang bangkay ng artist.

Kaugnay nito, inaasahan ng NBI na lalabas na ang resulta ng kanilang forensic at histopathological examination sa bangkay ng dalaga ngayong linggo.

Nito lamang nakaraang linggo nang mailibing na si Bree sa Davao City. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?