44

Oct 18, 2021 @ 19:17
By

Julian Ongpin dinikdik ng DOJ sa illegal drugs

Kakasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng possession of illegal drugs si Julian Ongpin, na siya ring person of interest sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson.

“The Panel of Prosecutors assigned to conduct the preliminary investigation of the complaint [filed by PNP San Juan La Union] resolved to indict respondent Julian Roberto Ongpin for possession of Dangerous Drugs (i.e. cocaine) under Section 11 of Republic Act No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” saad sa pahayag ng DOH.

Non-bailable ang kaso na isasampa sa San Fernando, La Union Regional Trial Court.

Bukod dito ay may nakataas ding precautionary hold departure order laban kay Ongpin.

Nahulihan ng cocaine si Ongpin kasabay ng pagkakadiskubre ng walang buhay na katawan ni Jonson sa loob ng nirentahan nilang kwarto sa La Union noong nakaraang buwan.

Mariing itinanggi ni Ongpin na may kinalaman siya sa pagkamatay ng artist.

Si Julian ay anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?