37

Sep 22, 2021 @ 19:46
By

Julian Ongpin bantay sarado ng Immigration

Bantay sarado ng Bureau of Immigration (BI) si Julian Ongpin, anak ng bilyonaryong negosyante at suspek sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson.

Sabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ito ay matapos maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order ang Department of Justice para bantayan ang posibleng paglayas sa bansa ni Ongpin.

Nitong weekend natagpuang patay si Jonson sa isang resort sa San Juan, La Union.

Person of interest sa kaso si Ongpin dahil siya umano ang huling nakasama ni Jonson bago ito natagpuang patay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?