101

Apr 3, 2021 @ 21:30
By

Julian Felipe Reef inaangkin ng China

Bahagi umano ang Julian Felipe Reef ng Nansha Islands ng China sa pinag-aagawang South China Sea, ayon sa Chinese Embassy sa Maynila.

Ayon sa pahayag ng Chinese Embassy, maraming taon nang nangingisda sa Julian Felipe Reef — na tinatawag ng China na Niu’e Jiao — ang mga Chinese fisherman doon.

“The Niu’e Jiao is part of China’s Nansha Islands. The waters around Niu’e Jiao has been a traditional fishing ground for Chinese fishermen for many years. The Chinese fishermen have been fishing in the waters for their livelihood every year,” sabi ng embahada.

Dagdag nito, normal lamang sa mga Chinese fishing vessel na mangisda roon at sumilong malapit sa bahura kapag maalon ang dagat, at wala raw karapatan ang sinuman na maglabas ng malisyosong pahayag tungkol sa mga nasabing aktibidad.

“China is committed to safeguarding peace and stability in the waters and we hope that authorities concerned would make constructive efforts and avoid any unprofessional remarks which may further fan irrational emotions,” patuloy nito.

Matatandaang nitong Sabado pinalalayas na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang naiwang 44 Chinese vessel sa Julian Felipe Reef sa Palawan.

Wala na aniyang maaaring idahilan pa ang China dahil maayos na ang lagay ng panahon kaya dapat nang lumayas sa karagatan ng Pilipinas.

“I am no fool. The weather has been good so far, so they have no reason to stay there. These vessels should be on their way out. Umalis na kayo diyan,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?