40

May 12, 2021 @ 11:51

Julian Felipe Reef hindi daw teritoryo ng ‘Pinas? Locsin binusalan si Roque

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, siya lang ang may karapatang magsalita kung ano ang mga teritoryong nasasakupan ng Pilipinas.

Ito’y kasunod nang naging pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi umano parte ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef.

Taliwas ito sa tinakdang 200-nautical mile rule tungkol sa exclusive economic zone na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“There is only one voice on what’s ours: mine. Period. Not even the military has any say. I speak for the President on this subject,” ayon kay Locsin.

Dagdag pa ni Locsin sa isa pang tweet, dapat ay ipaubaya na lang sa DFA ang usapin tungkol sa West Philippine Sea, dahil kahit militar ay wala aniyang kinalaman dito.

“Let’s try this: drop the subject and leave it entirely to the Department of Foreign Affairs under ME, the only expert on the subject bar none. I’ve known China since 1967; Chito Sta. Romana along with me. Even the military has nothing to do with foreign affairs,” giit pa ng kalihim.

Matatandaan na naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas kontra China nang maispatan ang aabot sa 200 Chinese vessel sa Julian Felipe Reef.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?