1,477

Aug 6, 2019 @ 20:18
By

Julia niresbakan si Bea: Gumamit ka ng ibang tao para sirain ako!

Hayagan nang pinangalanan ni Julia Barretto si Bea Alonzo sa kanyang social media post tungkol sa pagkakaugnay niya sa break up ng huli kay Gerald Anderson.

Saad ni Julia sa Instagram post, nilinaw naman na umano ni Gerald na hindi third party ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea kaya hindi umano dapat siyang idawit dito.

Pero dahil sa idinamay siya sa isyu ay magsasalita na siya.

Ani Julia, ang heartbreak umano ni Bea ay dapat na pribadong isyu lang pero makasarili aniya ang huli at ginawa itong national issue.

Inakusahan din nito si Bea na hugas-kamay sa hindi pagbanggit sa pangalan niya sa mga post pero sa pag-like nito sa mga harmless photos ay naglikha ito ng culture of hate at ginamit ang ibang tao para sirain siya.

“Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me FOR YOU,” sabi ni Julia.

“You have encouraged a culture of hate by purposely liking harmless photos, putting malice into the minds of many, which resulted in the outrage of insults against me,” dagdag pa niya.

Imbes din umano gamitin ni Bea ang impluwensiya at following nito para mag-promote ng lakas at grace sa kababaihan, ginamit niya ito para mag-promote ng social media irresponsibility na isang bullying.

“You can play victim all you want, but I refuse to be your victim,” banat pa ni Julia.

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?