173

Jun 19, 2021 @ 14:42
By

Julia ninerbiyos sa turukan, todo kapit kay Gerald

Hawak kamay na nagpabakuna kontra coronavirus ang magdyowang Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sa video na ipinost ng fan page na juralds.officialfanpage, makikitang ninerbiyos si Julia.

โ€œWait, wait lang,โ€ sabi ni Julia sabay hawak sa dibdib niya.

Kaya naman hinawakan siya ni Gerald sa kamay habang tinutusok ang karayom sa kanya.


Biniro naman ni Gerald si Julia na naramdaman niya ang takot nito dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya.


Sa isa pang video maririnig si Julia na nasambit kay Gerald ang mga katagang, โ€œThatโ€™s my love!โ€

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?