452

By

Julia Montes nagbigay pugay kay Eddie Garcia

Binasag ni Julia Montes ang kaniyang pananahimik sa social media upang magbigay pugay sa beteranong aktor na si Eddie Garcia, na pumanaw nitong nakaraang Huwebes.

Ibinahagi ni Julia Montes sa kaniyang Instagram ang larawan niya kasama si Eddie Garcia at inalala kung paanong nahihiya siya at kinakabahan nang magpapicture siya kasama ito noon nang dumalo sila sa iisang event.

Ibinahagi rin ni Montes ang mga bagay na hindi niya malilimutan kay Garcia.

“Looking back sa photo na to daming memories… Mga advice and jokes mo Tito Eddie di ko po makakalimutan… We will miss you,” ani Montes.

Nagpasalamat si Montes kay Garcia dahil nagsilbi itong inspirasyon sa lahat ng mga aktor.

Ito ang kauna-unahang pagpaparamdam ni Montes sa social media matapos ang kaniyang pananahimik noong Mayo 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?