563

Mar 9, 2021 @ 17:58
By

Julia may bday greeting, kiss kay Gerald

Sapul sa isang video ang pagbibigay ni Julia Barretto ng birthday message sa kanyang nobyo na si Gerald Anderson. Bukod dito, nagbigay din ng birthday kiss ang 23-anyos na aktres.

Makikita sa naturang video ang pag-abot ng cake ni Barretto sa kanyang 32-anyos na nobyo sa isang party sa beach.

Pagkatapos magbigay ng birthday message kay Anderson, kinantyawan naman ang dalawa ng isang kiss.

Ibinigay naman ng dalawa ang hingi ng mga nasa party.

Nito lamang nakaraang linggo ng isapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/gerald-julia-naghalikan-sa-instagram/

https://tnt.abante.com.ph/gerald-nag-bday-kasama-si-julia/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?