338
Julia, Marjorie Barretto naluha sa engagement ni Dani
By

Julia, Marjorie Barretto naluha sa engagement ni Dani

Inalok na si Dani Barretto ng boyfriend niyang si Xavi Panlilio ng kasal.

Sa kanyang Instagram sinabi ni Dani na hindi na siya makapaghintay na mapakasalan ang dyowa dahil ipinagdasal niya ito.

“I prayed for this. I prayed for you. I love you @xavipanlilio !! I can’t wait to marry you,” sabi ni Dani sa caption ng larawan habang nakaluhod sa kanya ang kasintahan.

Inilabas na rin ang video ng naturang proposal ng Nice Print Photography kung saan makikita ang pagluha ng ina ni Dani na si Marjorie at kapatid na si Julia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?