2,865

Dec 2, 2021 @ 19:14
By

Julia initsapwera! Gerald pinili magulang kasama sa Pasko

Kahit anong mangyari ay mas importante pa rin para kay Gerald Anderson ang magulang nito.

Balak kasi ni Gerald makasama ang kaniyang ina sa darating na kapaskuhan matapos ang mahabang panahon na hindi sila nagkita.

Sinabi ito ng aktor sa “Showtime Online U” nitong Miyerkoles nang tanungin ito kung ano ang kaniyang balak sa darating na kapaskuhan.

“Uuwi ako sa GenSan. Pupuntahan ko ‘yung nanay ko. Magki-Christmas kami roon. Kasi medyo matagal ko na siyang hindi nakita dahil sa pandemic. And I think ito ‘yung perfect time para makauwi kasi maluwang na,” pahayag ng aktor.

Dagdag ng aktor, nais daw nitong magrelax dahil katatapos lang ng lock-in taping nito para sa “Hello, Heart.”

“Actually katatapos lang namin i-shoot ‘yung ‘Hello Heart.’ So medyo relax, relax muna. Kakalabas ko lang ng lock-in taping namin,” ani Gerald.

Makakasama ni Gerald sa nasabing pelikula ang aktres at singer na si Gigi de Lana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?