269

By

Julia idolo ng mga babaeng walang boobs

Matapos ngang ibuking niya sa Tonight With Boy Abunda na hindi siya comfortable magsuot ng bra kahit baby bra pa ito dahil wala namang makakapitan sa kanyang boobs, umani ng papuri si Julia Barretto sa pagiging totoo nito.

Lalo na nang maging trending ang tweet niya na bumili siya ng mahigit isang daang nipple tape na ayon din mismo kay Joshua Garcia ay siyang ginagamit nito instead of a bra.

Pinag-usapan ito at positibo naman ang reaksyon ng mga utaw lalo na nga’t isa pa rin sa itinuturing si Julia bilang isa sa mga fashionista ng showbiz.

Sabi pa nga niya, siya rin daw ang nagtaas ng bandera ng mga babeng flat-chested na kahit daring ang kanyang mga suot ay bahagi pa rin ito ng kanyang self-expression at walang paki sa mga hindi siya nagugustuhan.

Anyway, pagkatapos ng kanilang Ngayon at Kailanman, abala na rin ang power couple sa bagong movie nila na isang action-horror film tungkol sa mga zombies.

Siyempre, masaya ang dalawa na nasundan kaagad ang project na hindi sila nagkakahiwalay, kaya, inspired pareho na mag-report sa shooting.

Korek!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?