46

Feb 24, 2021 @ 13:25
By

Julia gusto na magka-baby

Tinanong si Julia Barretto kung ano ang maituturing niyang missing sa buhay niya ngayon.

“A baby!” sagot ni Julia sa kapatid na si Dani Barretto-Panlilio, sa vlog ng huli.

“I feel like I have a purpose in this world, and that purpose is to be a mother. I don’t feel so fulfilled because [wala pa akong anak],” paliwanag niya pa.

Inusisa rin ni Dani kung may 5-year plan ba ang kapatid, na magiging edad 24 na next month.

“Of course, I do,” sagot ni Julia, at pinunto na gusto niyang magkapamilya na sa panahong iyon.

“So, I’ll be 29. I hope that in five years, I already have a child and my own family.”

“That’s just really it. That is the perfect age, and I feel like if you want a lot of kids, you have to start early,” lahad niya pa.

Dagdag niya, gusto niyang magkaroon ng apat hanggang limang anak.

“I want a tribe! I want a bunch!” ayon pa sa aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?