59

Apr 14, 2021 @ 15:46
By

Julia, Gerald namingwit

Todo enjoy na sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa kanilang kalayaan bilang magkasintahan.

Sa kanyang Instagram ay nag-share na si Gerald ng mga larawan ng date nila ni Julia sa isang yate kung saan nangisda sila.

“The best things in life come with patience,” caption ng aktor.

Nag-post naman si Julia ng litrato niya habang nasa yate.

“Moments we live for [heart emoji],” sabi niya.

Magugunitang matapos ang kontrobersiyal na break-up nina Gerald at Bea Alonzo noong 2019 dahil umano kay Julia ay umamin na nitong March 2021 ang aktor na may relasyon sila ng huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?