392

Jul 5, 2018 @ 21:58
By

Julia ‘di tanggap maging kapatid si Shaina

Isang malaking rebelasyon ang gugulantang kay Ana (Julia Montes) dahil malalaman niya na si Samantha (Shaina Magdayao) at ang kapatid niyang si Katrina ay iisa sa ‘Asintado’ ngayon, Biyernes (Hulyo 6).

Dahil sa mas lalong lumalalim na hidwaan nina Ana at Samantha, hindi na mapipigilan pa ni Hillary (Agot Isidro) na isiwalat ang katotohanang sila ay magkapatid. Hindi naman ito matatanggap ni Ana, lalo na at nag-aalab ang kanyang galit sa kapatid matapos siyang traydurin nito sa gitna ng misyon nilang patumbahin si Salvador (Nonie Buencamino).

Pero agad ding masusubukan ang pagmamahal niya sa kanyang ate dahil walang habas na sasaktan ni Salvador si Samantha matapos malamang gumagawa ito ng mga hakbang laban sa kanya.

Samantala, ang kaguluhan naman sa kanilang buhay ang magtutulak kina Ana at Gael (Paulo Avelino) na parehong aminin na ang nararamdaman para sa isa’t isa at sisiguraduhing hindi na sila magkakahiwalay pa.

Mapapatawad na nga ba ni Ana si Samantha ngayong alam niya na sila ay magkapatid? Panoorin ang maaaksyong kaganapan sa ‘Asintado’ tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?