81

Sep 25, 2020 @ 15:08

Julia Barretto pinalagan si Jay Sonza

riley cea

Naghain na ng cybercrime case si Julia Barretto laban kay Jay Sonza na nagpakalat ng pahayag na buntis ang aktres kay Gerald Anderson.

Kasama ang kanyang nanay na si Marjorie Barretto, personal na humarap si Julia sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division ngayong araw, Setyembre 25, para hilinging imbestigahan ang “peke at iresponsableng mga pahayag” ni Sonza sa Facebook page nito noong Setyembre 21.

Itutuloy pa rin umano ng aktres ang kaso laban sa dating broadcaster kahit pa binawi na ng huli ang “aking masayang pagbati” noong Setyembre 23.

“Andami ko na rin kasing pinagdaanan. Marami na rin akong pinalagpas lalo na sa social media, binastos na ‘yung reputation ko, ‘yung pangalan ko,” sey ni Julia kay showbiz journalist MJ Felipe.

“I think I just want to show people now na hindi ko na pinapalagpas ‘yung mga bagay na ganito,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?