28

Sep 30, 2020 @ 20:29
By

Julia Barretto nilayasan ang Star Magic

Matapos ang 14 taong nasa poder ng Star Magic, tumalon na sa ibang talent management si Julia Barretto.

Sa isang press conference, binunyag ni Julia na siya ang bagong talent ng Viva.

Ang pagreretiro raw ng Star Magic head na si Mariole Alberto ang dahilan kaya naisip ni Julia na subukan ang ibang talent management.

“I just felt like it was going to be a good opportunity for me to really explore my other options and see other opportunities,” tsika ni Julia.

“And when I met with Viva management, they really laid in a good plan and they were really willing to just help by start,” dagdag niya.

Suportado raw ni “Mr. M” o Johnny Manahan ang desisyon niya.

Si Manahan ay co-founder ng Star Magic noong 1990s.

Ngayong nasa bakuran na ng Viva, bukas daw si Julia na makatrabaho ang sinuman.

“Hindi naman po ako maarte sa mga magiging kasama sa trabaho. Ang proyekto naman po ang importante, ‘yung story, mga makakatrabaho kong director, writers, mga producers natin, diyan naman talaga ako mas nakatutok,” saad ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?