2,402

By

Julia Barretto nagpaliwanag kung bakit hindi nagsusuot ng bra

Inamin ni Julia Barretto na mas kumportable siyang maglagay ng nipple tape kaysa magsuot ng bra.

Sa panayam sa kanya sa “Tonight with Boy Abunda” noong January 15, pabirong sinabi nitong mas type niya ang tape dahil wala naman umanong kakapitan ang bra sa kanyang katawan.

Nalantad ang hindi pagsusuot ng bra minsan ni Julia nang matanong ang onscreen partner at rumored boyfriend niyang si Joshua Garcia kung ano ang masasabi nito sa daring na style ng kapareha.

Sinabi ni Joshua na minsan ay hindi nagsusuot ng cycling shorts at bra ang aktres.

Dito inamin ni Julia na tulad ng ibang babae ay hindi siya kumportable na magsuot ng bra.

“Ako naman din walang kakapitan ‘yung bra. So mas masakit talaga kasi nagta-try naman yung bra ko eh, pero wala talaga siyang makapitan,” saad ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?