175
Julia Barretto na-homesick, umuwi mula sa bakasyon
Feb 10, 2019 @ 14:05
By

Julia Barretto na-homesick, umuwi mula sa bakasyon

Inanunsiyo ng aktres na si Julia Barretto sa kaniyang twitter noong Pebrero 8 na naghahanda na siya sa pag-uwi mula sa bakasyon nang mas maaga sa inaasahan.

Aminado si Julia sa kaniyang tweet na na-homesick siya kaya ninais nang umuwi sa tahanan.

Sapat na aniya para sa kaniya ang panahong iniregalo sa sarili at panahon naman na para umuwi.

Kaugnay rito ay nag-iwan pa ng isang inspiring tweet ang aktres kung saan ay sinabi nitong, “Take care of your soul and prioritize it.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?