66

Jan 25, 2020 @ 14:23
By

Julia Barretto kayang makipagkaibigan sa ex

Dumalo sina Julia Barretto, Maris Racal at Ina Raymundo para sa isang sit down interview sa Tonight with Boy Abunda Biyernes ng gabi para i-promote ang kanilang bagong pelikulang “Block Z”.

Iba-iba ang sagot nila nang tinanong silang tatlo kung kaya ba nilang makipagkaibigan sa kanilang exes.

Si Ina lang ang hindi nag-agree na hindi na kailangan makipag-keep in touch sa mga past relationships. “Wala ng point,” sabi nga ni Ina sa tanong.

Iba naman ang sagot ni Julia dahil hindi katulad ni Ina ay kaya niyang mag-stay as friends.

“I can and that’s when you know that you’ve truly moved on,” banggit ni Julia.

Pero kahit ganito ang sagot ni Julia ay hindi naman siya naniniwala na importante ang closure sa isang failed relationship.

“Not having closure is closure already,” kuwento niya kay Boy Abunda.

Agree naman si Maris sa mga sinabi ni Julia dahil siya nga daw ay “all for closure and forgiveness”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?