130

Oct 8, 2017 @ 12:23

Julia Barretto at Joshua Garcia, mag-on na

May pakiramdam si Dennis Padilla na mag-on na ang kanyang anak na  si Julia Barretto  at si Joshua Garcia. Ang basehan niya bukod sa body language ng dalawa ay naglakas-loob na si Julia na ipakikilala sa kanya ito.

Okey naman daw si Joshua para kay Dennis. Mabait nga raw ito, mapagmahal sa pamilya, at magalang, at ramdam din niya na seryoso ito sa kanyang anak.

Sa aspetong ito, consistent talaga ang magaling na young actor. Dahil maging ang ina nitong si Marjorie Barretto ganu’n ding mga katangian ang nagustuhan nito sa manliligaw ng kanyang anak na dalaga.

“At ‘yang si Joshua, marunong ‘yan manligaw sa akin, ha?” seryosong sabi sa amin ng direktor ng pelikulang The Barker.

“Tumawag kasi sa akin ‘yan, tinatanong kung nasaan daw ba ako? Tapos, pinuntahan niya ako. Aba naman, may dala ba naman sa akin na alak.

“Aba, sabi ko sa sarili ko, ‘Marunong ang batang ito, ha’?” kuwento ni Dennis.

Alam nga raw ni Joshua kung paano palalambutin ang puso’t damdamin ng mga magulang ng kanyang minamahal.

Samantala, very proud siya sa pelikulang The Barker dahil bukod sa siya ang direktor, istorya rin niya ito. Naiilang pa nga raw siyang tawaging direktor, pero siyempre, feel naman niya.

Korek! (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?