313
Julia anak lang ang gusto, ayaw magpakasal
May 7, 2019 @ 16:55
By

Julia anak lang ang gusto, ayaw magpakasal

Mas type umano ni Julia Barretto na magkaanak kaysa mag-asawa.

Sinabi ito ng aktres nang mag-guest siya sa “Magandang Buhay” kasama ang kapatid na si Dani Baretto.

Habang nagluluto ng chicken adobo sa naturang episode, naitanong kay Julia ang plano nito sa pagpapakasal.

“Di ko talaga alam, ate. I think I’m too young to think that far ahead. Pero you know what ate, mas nilu-look forward ko ang magkaanak,” anang Kapamilya actress.

Ani Julia, mahilig kasi siya sa mga bata kaya mas nakatuon siya sa pagkakaroon ng maraming anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?