30

By ,

Juico: 2 Thai refs palabok sa PSL finals

Dalawang guest referees mula sa Thailand ang pipito sa best-of-three finals ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa pagitan ng Petron at F2 Logistics sa Martes sa The Arena sa San Juan.

Darating na ngayong Lunes sa bansa ang international referees na sina Komsun Gettaworn at Jirasak Pumduang para masiguro na tama ang officiating sa championship series ng dalawang tropa.

“While we are very satisfied with the performance of our local referees, the participation of guest referees from Thailand would definitely spice up the finals series between Petron and F2 Logistics,” sabi ni PSL chairman Philip Ella Juico.

“Aside from that, this concept of allowing foreign guest-referees also put the PSL in the community of leagues that strictly adheres to fair play and respect to the sport.”

Ang pagsampa ng dalawang Thai referees sa bansa ay resulta ng pakikipagtulungan ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. sa Asian Volleyball Confederation at Thailand Volleyball Association.

Sineseryoso ng PSL ang pagpapaganda ng kalidad ng referees nila sa pagsasagawa ng referee workshop kasama ang mga coach.

Magpapatuloy ang liga sa paggamit ng video challenge system para mabigyan ng tulong ang mga official sa pagpito ng mga krusyal na tawag.

Ito na ang ikaanim na sunod na titular showdown ng dalawang teams.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?