Jueteng whistblower Sandra Cam, itinalaga sa PCSO

Sharing is caring!

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating jueteng whistleblower na si Sandra Cam bilang miyembro ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kinumpirma ito mismo ni Cam sa mga reporters nitong Miyerkules. Nakatakdang manumpa si Cam kay Duterte ngayong hapaon kasama ang iba pang appointees sa PCSO at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Si Cam ay ininderso ni Duterte nang tumakbo ito sa pagka-senador noong 2016. Hindi ito nanalo.

Makakasama ni Cam sa PCSO Board of Directors si Bong Suntay, ang pangulo Philippine National Taxi Operators Association at kilalang supporter ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?