146

Jan 2, 2018 @ 14:16
By

Juday & Ryan ‘no gadgets rule’ sa mga anak, pamangkin

Isang magandang inspirasyon sa mga parents ang ipinakitang example ni Judy Anne Santos sa kanyang mga alaga sa Instagram, sa panahon ngayon na lahat ng bata ay gagdets addict na.

Nagposte si Judy Ann nang short video sa loob nang kanilang bahay ni Ryan na isa-isang ipinapakita ang mga bagets sa sala.

Makikita sa video na nagbabasa nang libro ang limang mga bata kabilang na ang panganay nyang si Yohan at ang lalake nilang anak na si Lucio.

@officialjuday, “Ganyan nga…maging busy sa libro, hindi puro gadgets. Galing mo bub! @ryan_agoncillo”.

Ang intensyon ni Judy Ann sa pagpapakita ng short video na ito ay upang iparating sa mga parents na puwedeng awatin o kontrolin ang kanilang mga anak sa paggamit ng mga gadgets sa lahat ng pagkakataon.

Maaring bumalik sa old school ang mga ito, sa pamamagitan nang pagbabasa ng libro.

Sey nga ni Juday na may voice over sa video hanggang sa i-focus nya ang sarili sa camera, “yan gndan nga, ganyan nga, puwede namang walang gadgets di ba? Wagi, waging wagi ang bookstore! Happy New Year!”

Ayon kay Juday may rule silang pinairal sa paggamit ng gadgets ngayong bakasyon.

@officialjuday, “@sallyloreno give and take lang…J we stick to our 1 hour rule when using gadgets. They have to read a book or at least finish 1 book or more before matapos ang bakasyon.”

Humamig ng maraming papuri ang aktres-chef sa kanyang mga followings sa paraan nila ni Ryan nang pagdidisiplina sa mga anak. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?