61

Jun 21, 2021 @ 20:13
By

Juday, Ryan nagpabakuna na

Parami na nang parami ang mga celebrity na naturukan kontra coronavirus.

Nitong Lunes ng hapon ay nagpabakuna na ang celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa MMDA/MMFF vaccination site.

“First jab! pabakuna na po tayo.. para sa mga mahal natin sa buhay at para may panlaban tayo sa bawat strain ng covid.. nakakatakot ang magkaroon ng covid.. mas nakakakampante po ng loob ang pagpapabakuna kesa maniwala sa mga naririnig nating sabi sabi at haka haka sa paligid natin,” sey ni Juday.

“Does this count as a date? #mmff #mmda #resbakuna,” biro naman ni Ryan.


Nitong Lunes din nagpabakuna sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Maine Mendoza at Camille Prats.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?