107

Sep 28, 2021 @ 17:37
By

Juday, Ryan gusto ng pagbabago, nagparehistro

Nagparehistro sa Comelec sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para makaboto sa darating na eleksyon.

Sa kanyang Instagram, ipinost ng aktres ang larawan nila ng asawa habang may indelible ink sa magkabilang hinlalaki.

Anang aktres, nagparehistro sila dahil gusto nila ng pagbabago.

“Nakapag parehistro na kami! Yes! Gusto namin ng pagbabago.. parehistro na po ang mga hindi pa nagreregister.. may isang linggo pa para makapag parehistro. Let’s all UNITE and VOTE!” caption ni Juday.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?