167

Nov 9, 2017 @ 11:11
By

Juday at Pacquiao, nagbalik-tanaw sa pinagdaanan bago nagtagumpay

Sa hindi malamang dahilan, biglang nag-throwback sina Sen. Manny Pacquiao at Judy Ann Santos sa kani-kanilang Instagram account.

Parehong buhay nila noong nagsisimula pa lang sa kani-kanilang karera ang laman ng throwback message nila. Si Juday ay noong hindi pa siya super sikat. At si Manny ay noong maliit na bata pa lang siya.

Sa IG wall ni Juday, pinoste niya ang photo niya na nakahiga sa isang tila camping bedding sa labas ng kanyang bahay at sinabing ganito ang ginagawa nila sa kanilang shooting ng pelikula noon.

@officialjuday, “Ganito kami noon..nung panahong pag walang aircon tent na standby area ang mga artista, kanya kanyang diskarte ng tutulugan, tatambayan at kakainan..basta maglalatag kami kahit saan basta hindi hagip ng kamera. Walang issue, walang diva kakuwentuhan ko mga crew. Masaya lang kahit inuumaga kami ng tapos. Bakit ko na-share? Wala lang. Masarap balikan ang simpleng buhay ng paga artista kung minsan..#lifeisgood”

Ang teenage photo naman ni Pacman ang pinoste niya sa IG niya na naka-boxing pose siya.

Ang mahirap na buhay niya noon ang sentro ng kanyang mensahe.

@mannypacquiao, “I remember as a little boy i ate one meal a day and slept in the street. I will never forget that, it inspires me to fought hard, stay strong and remember all the people in my country trying to achieve better for themselves.”

Sina Juday at Manny ay idol ng mga simpleng tao na nangarap na matupad ang kanilang ninanais sa buhay.

Parehong galing sa kahirapan ang dalawa. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?