51

By

Juday nalusaw sa early bday gift ni Yohan

Sharing is caring!

Nalusaw ang puso ni Judy Ann Santos sa message letter sa kanya nang kanyang panganay na si Yohan para birthday nang aktres na magaganap pa lang ngayong May 11.

Nakaposte sa Instagram wall ni Juday ang handwritten letter sa kanya ni Yohan bilang super-advance birthday message nya sa nasabing Mommy nya.

Sa nilalaman nang letter sinasabi ni Yohan ang kanyang malaking pasasalamat sa paggabay at pagtuturo ng mga bagong bagay sa buhay niya.

Humingi rin ng sorry si Yohan sa mga nagawa nya sa Mommy nya na hindi na niya sinulat pa sa letter.

“To: Mom…2 month early gift…This is a super duper early birthday gift, but yeah I just want to tell you that I’m truly sorry for all things I did to you! I can’t believe you are so calm, but when things get out of hand, boom! And um, I’m truly grateful for what you’ve done for me!

“Teaching me new things in my life! Thanks you for being there for me…Ate Yoyo..”

Ibinulalas ni Juday ang kasiyahang naramdaman sa liham sa caption ng photo.

@officialjuday “My mommy heart is smiling..I love you ate yoyo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?