17

By

Juday nakipagtalakan sa mga fan

Sharing is caring!

Pinatulan ni Judy Ann Santos ang dalawang Instagram follower niya. Hindi ‘patola’ si Juday sa mga follower niya pero nagsimula ang pagpatol niya nu’ng may bumatikos dahil sa YSL clutch na regalo sa kanya at pinasalamatan naman niya sa pamamagitan ng pagpu-post nito sa Instagram account niya.

Hindi yata kilala ng IG user si Juday kung gaano ito matulungin at may mga tinutulungan na hindi na ibinabando pa. In fact, ilang taon na nga bang may pa-outreach si Juday sa mga Aetas sa Bataan/Zambales.

Pero kinuwestiyon kasi ng IG user si Juday na, “How about helping all the poor people in your country?!!!”

Akala yata, pagpapa-sosyal lang ang ginagawa ng aktres. So, hindi natiis ni Juday at sinagot ito nang, “Hi! Hindi naman ako normally sasagot sa mga ganitong comments… pero hindi ko kasi ugaling i-promote kung sino, at ano at saan kami nagbibigay ng tulong… yun lang, God bless.”

Halatang napahiya naman ang kumuwestiyon kay Juday sabay kambiyo at humingi ng sorry at biglang humirit na she always admired Juday raw, huh!

Nasa mood si Judy Ann Santos na sumagot ng IG followers niya na pati ang pagkakaroon ng pantal sa mukha ng bunsong anak nila ni Ryan Agoncillo na si Luna ay napapansin at para bang kasalanan niya bilang ina na nagkapantal ang anak.

Sabi ng IG user na @hannahyuppy, “Tapos si luna may pantal sa mukha @officialjuday maganda pa naman sana skin ni luna.”

Aliw naman ang sagot ni Juday na cool lang nu’ng hiritan na ang IG user niya na hindi mo alam kung basher ba o concern lang masyado.

Sey ni Juday, “Sige na nga… papansinin na kita… alam mo yung lamok? Hindi siya napapakiusapan at wala rin siyang favoritism… ganun din yung rashes… ke anak ng artista o hindi nagkakaroon nun… lamok kaya ang pinaka matapang na insekto!

“Kahit Presidente hindi inuurungan ng lamok… anak ko pa kaya? Gets?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?