51

Jun 13, 2020 @ 15:23

Juday nagsisi sa naging trato sa ina, kapatid

Kung meron man panghihinayang o pinagsisihan si Judy Ann Santos na sana ay nagawa niya, ito ay nayakap daw sana niya nang mahigpit ang mga mahal niya sa buhay.

‘Yun daw ang na-realized niya sa halos tatlong buwan na ng pandemic sa bansa at naka-quarantine lang sa loob ng bahay.

“I realized, I could have, I should have hugs my family. My mom, my sister, my brother, mga pamangkin ko. My friends, na-hug ko pala sila dapat nang mas mahigpit every time na makikita ko sila.

“Kasi, sino ba ang mag-iisip na ilang buwan ko pala silang hindi makikita? Hindi ko talaga naisip yun. Sino ba ang nakaisip? I’m sure, kayo rin, hindi niyo rin naisip, ‘di ba?”

Naibahagi ito ni Juday sa kanyang unang Instagram Live. Na ilang beses sinabi na first time niyang gawin ang IG Live at nakakaaliw ito na hindi malaman kung ano ang gagawin sa nagre-request na i-accept niya ng on-cam live.

At ang cute dahil tila nagpa-panic nang makitang nababawasan ang views niya.

Dahil nasa bahay lang, ilan daw sa na-achieved niya ay ang pagtatanim at ang pag-ayos ng play area ng mga anak.

Dahil din daw sa COVID-19, nalaman niya na may kaya pa raw pala siyang gawin bukod sa pag-arte at pagluluto.

“Learn something new. Stay healthy. Do yoga, meditate. There are so much things to do maliban sa pag-iisip kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw. Darating naman yan, may mga darating diyan. May mga miracles na darating na hindi mo inaasahan.”

Rhian naiyak, negatibo sa COVID-19

Pagkatapos na magkahiwalay at nakuntento na lang sa call at video chat ng tatlong buwan, nadalaw na ni Rhian Ramos ang kanyang ina.

Nang makausap namin ito via zoom, nabanggit niya na ang hindi niya madalaw o makita ang mommy niya ang isa sa ikinalulungkot niya.

Sa condo niya kasi na-lockdown si Rhian kasama ang boyfriend. Pero masaya nitong ibinahagi sa kanyang Instagram ang video ng unang pagkikita nila ng Mommy niya.

At para lang makita niya ito, nagpa-COVID-19 test siya para masiguradong negative siya at safe na puntahan ang ina at mayakap ito.

Ang higpit nga ng yakap nilang dalawa at tila naiyak pa ang mommy ni Rhian habang yakap-yakap at hindi maialis ang yakap sa anak.

Pinakita muna ni Rhian ang negative result ng COVID-19 test niya at sey niya, “The lengths I go to hug my mommy! Nagpatest ako and I’m safe.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?