19

Oct 27, 2020 @ 18:20
By

Juday nagpakain ng mga frontliner

“Walang bagyo-bagyo sa pagbibigay ng malasakit sa kapwa.”

Nasambit iyon ni actress Judy Ann Santos nang magpamahagi siya ng 300 food packs sa mga frontliner.

“Today was a good day.. we had the privilege to make 300 food packs to our frontliners c/o my greencross family. Thank you so much for the trust! And a big shout out to our cast members na kahit may bagyo, at 5 am they were all in westgate to start the prep already,” caption ni Juday sa Instagram post kung saan makikita ang pinamigay niyang mga pagkain na mula sa pag-aaring resto nila ni Ryan Agoncillo na Angrydobo.

“Libre at masarap sa pakiramdam ang magpakita ng malasakit at appreciation hindi lang sa ating mga frontliners .. kundi sa lahat ng kapwa natin,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?