167

May 29, 2020 @ 19:49
By

Juday may ibubuga rin sa gupitan

Hindi lang magaling na aktres at cook si Judy Ann Santos dahil palaban din siya pagdating sa paggugupit ng buhok.

Sa kanyang Instagram post makikita ang paggupit ni Juday sa buhok ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo at sa bunso nilang si Luna.

Aminado ang aktres na sumakit ang balakang niya sa haircutting pero masaya siya dahil kumpleto pa ang daliri niya matapos maggupit.

“Barber skills unlocked! sarado na po ang salon ko.. sabi ng balakang ko. thanks mars! @jingmonis for the tutorial! kumpleto pa naman ang mga daliri ko, at walang dugong dumanak,” sey ng binansagang Queen of Philippine Soap Opera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?