42
ABANTE juday ryan away financial
By

Juday itinanggi na may away sila ni Ryan tungkol sa datung

Sharing is caring!

Bongga rin talaga ang couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Pagdating sa kanilang pinagkakakitaan, kanya-kanya silang dalawa, huh!

Maaaring tawagin itong modern financial management ng mag-asawa dahil iba nga ito sa naging tradisyon noon na ang lalaki ay ibinibigay ang lahat ng suweldo o pinagkakakitaan niya sa kanyang asawang babae.

Pero may punto naman dito si Juday, noh! Sabi nga niya, meron silang joint account ni Ryan at iba pang accounts para sa kanilang travel budget, educational budget at emergency budget.

Nag-iintrega naman daw sa kanya si Ryan para sa kanilang monthly bills, at ang sobra nito matapos mabawas ang iba pang savings nila o pinagkakagastusan ay sariling-sarili na niya ang tira at bahala na siya kung ‘for the boys’ na niya ito gagastusin, noh!

Siyempre, ganun din naman siya, kaya wala silang lamangan ng kanyang mister.

So far, bongga naman daw ang ganitong arrangement dahil hindi naman sila nag-aaway pagdating sa pera at hindi pa nila pinag-aawayan ang anumang nagastos nila para sa kanilang pamilya.

Iba’t iba at ang layo nga raw ng role ng kanyang mister sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes sa tunay niyang asawa, kaya happy in love and marriage talaga si Juday!

Bongga! (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?