42

Oct 11, 2017 @ 11:29

Juday, Angelica kinilig kay Steven Seagal

Masuwerte para kina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban ang kamakailan lamang na production meeting sa isang restaurant para sa ginagawa nilang pelikula ang “Dalawang Misis Reyes”.

Sa hindi nila inaasahan naroon rin pala ang Hollywood martial arts actor na si Steven Seagal.

Parehong na-starstruck ang dalawang ABS CBN 2 actors nang malaman nilang naroon ang American actor.

Nakaposte sa kani-kanilang Instagram wall ang group shot nila ng buong production team at ni Steven.

Sabi ni Juday sa caption ng photo habang katabi pa niya si Steven, @official juday, “Akalain mo nga naman…parang joke yung asa isang restaurant kami ni Steven Seagal!”

Ibinigay ni Juday ang credit kay Joross Gamboa na siyang nakakita raw kay Seagal.

“….Ang talas ng mata nitong si Joross e! Buti na lang!”

Nagposte rin si Angelica nang parehong photo nila with Seagal habang nakatayo siya sa likod ng aktor.

Sey ni Angelica sa caption, hindi raw niya maipaliwanag ang kasiyahan niya nong mga sandaling yun nang makita niya si Seagal.

@iamangelicap, “nakita namin si Steven Seagal, habang may bonding/workshop kami eh.  D ko alam kung bakit ako tuwang-tuwa.  #AngDalawangMisisReyesMeetsStevenSeagal”.

Nagpalitan ng comments sina Angelica at Juday sa naging reaksyon nang una.

@officialjuday, “Woooohhhh! Alam ko kung bakit?”

@iamangelicap, “@officialjuday bakit ba? nadala lang ako sa excitement mo e!”.

Tila may gagawing project sa Pinas si Steven dahil kasama sa groupie ang dating Ilocos Sur Governor na si Chavit Singsong.  Bisita marahil ni politician-businesssman ang martial arts actor.

Last year ang huling pagbisita ni Seagal sa Pilipinas at sinalubong pa siya ni Chavit sa airport. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?