1,143

Jun 21, 2021 @ 22:05
By

Juan Miguel Severo inakusahang ‘sexual predator’

Trending ang aktor na si Juan Miguel Severo, na inakusahan ng sexual harassment sa kapwa aktor na si Paolo Pangilinan at ilan pang biktima.

Maraming fan ang nagpahayag ng pagkadismaya kay Severo nitong Lunes.

Nag-ugat ito matapos mag-post si Pangilinan ng mga controversial tweet tungkol sa harassment, kung saan kumbinsido ang mga netizen na si Severo ito.

“Basta yung sakin lang harassers shouldn’t assert be put in positions of power esp when they’ve been reported already thank u no delete,” kabilang sa tweet ni Pangilinan.

“Wag talaga ako makakakita ng lgbtqia eme eme riyan galing sa’yo ha tatalak ako,” sabi pa niya.

Wala pang paglilinaw si Severo tungkol sa isyu habang sinusulat ito.

Si Severo ay screenwriter ng “Gaya sa Pelikula” kung saan kabilang sa cast si Pangilinan.

Narito ang reaksyon ng ilang netizen:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?