84

Juan Manuel Marquez nanomina sa Hall of Fame

Pasok ang kalaban ni “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao na si “Dinamita” Juan Manuel Marquez sa mga nanomina sa International Boxing Hall of Fame.

Nakasagupa ni 4-division champ Marquez si 8-division world champ PacMan nang apat na beses, kung saan na-knock out ng una ang huli sa pang-apat na laban nitong 2012.

Ngayong 2019 naman ang pinakaunang beses na napasama sa listahan ang mga babaeng boksingera: sina “Coal Miner’s Daughter” Christy Martin, “Mighty Atom of the Ring” Barbara Buttrick, at “Dutch Destroyer” Lucia Rijker.

Nahalal si Buttrick sa Trailblazers category, habang sa Modern category naman sina Martin at Rijker.

Kasali rin sa 2020 Boxing Hall of Fame class sina middleweight champion Bernard Hopkins at three-division champ Shane Mosley. Pasok din sina promoter Lou DiBella at Kathy Duva sa Non-Participant category at mga journalist Bernard Fernandez at Thomas Hauser sa Observer category.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?