70

By

Juan Gomez de Liaño nagpasiklab, UP sinaraduhan ang UE

Sharing is caring!

Nanguna si Juan Gomez de Liaño sa University of the Philippines Fighting Maroons upang matalo ang University of the East Red Warriors, 87-58, sa unang araw ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena ngayong Sabado.

Nagising sina Alvin Pasaol sa ikalawang quarter kaya naitabla nila ang laban, 33-all, papasok ng halftime.

Pinangunahan naman ni Gomez de Liaño ang Fighting Maroons sa ikatlong quarter upang makakuha ng komportableng kalamangan, 58-45.

“We know what to do regarding if its going to be man-zone. It’s just part of the first game jitters,” ani Fighting Maroons head coach Bo Perasol.

Nanguna si Juan Gomez de Liaño para sa Fighting Maroons na kumana ng 16 puntos at pitong rebounds samantalang mayroong double-double performance si Bright Akhuetie na gumawa ng 15 puntos at 18 rebounds.

Nasayang naman ang 14 puntos at pitong rebounds ni Alvin Pasaol para sa Red Warriors.

Sunod na makalalaban ng UP ang defending champs Ateneo de Manila University Blue Eagles sa Miyerkoles, Setyembre 12, sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?