9

Jul 25, 2020 @ 11:47
By

Juan GDL mabenta sa foreigner

Posibleng sumunod sa yapak ni Thirdy Ravena ang UP Maroons star na si Juan Gomez de Liano.

Ayon kay Juan GDL, mayroon nang mga koponan abroad na nagpaparamdam sa kanya para kunin ang kanyang serbisyo.

“There are a few actually, but nothing official. So I won’t say na actual offer siya,” saad ng Gilas pool member sa The Prospects Pod.

At kung siya ang masusunod, nais niyang maglaro sa ibang bansa na aniya’y matagal na niyang minimithi.

“Personally sa akin, it’s a goal of mine to play overseas, especially for me that I have a Spanish passport. It’s much easier to play for different clubs, but I’m just taking it a day at a time,” lahad pa ng point guard.

“Pagtanda ko, ayoko isipin na I should’ve done this, I should’ve done that. I just don’t want that to happen. I just want to make the most of the opportunity that I have especially while I’m still young.”

Matatandaan na ipagpapaliban ni Juan ang paglalaro sa UAAP Season 83 kung saan pokus muna umano siya sa Gilas Pilipinas training.

Kung sakali ay susundan nito sina Thirdy Ravena na nasa Japan B.League, FEU shooter Ken Tuffin na naglalaro naman sa National Basketball League sa New Zealand, at Pinoy phenom Kai Sotto na sasalang sa NBA G-League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?