72

Jun 23, 2020 @ 22:26

J&T Express iboykoy!

Inulan ng mga batikos at mayroon pang nanawagan na iboykot ang delivery service provider na J&T Express matapos mag-viral sa social media ang video ng mga empleyado nitong lalaki na habang walang pakundangang hinahagis sa loob ng truck ang mga package na nakatakdang ihatid sa kanilang mga kustomer.

Pinag-usapan sa social media ang insidente kung saan makikita na hindi man lang sinusuri o kinakapa ng mga lalaki ang laman ng mga mga package at walang alintana kung may mababasag o masisira sa mga ito habang nihahagis sa loob ng truck.

Sari-saring reaksyon mula sa publiko ang dumagsa sa social media at lumutang tuloy ang mga reklamo ng iba pang kustomer.

Sheryll Navalta: “This wasn’t the first time your company was in hot water regarding the same issue… it’s still happening! People should boycott your company!”

Ivan Estacio, “Wala sa ayos ang mga tao, walang disiplina kaya pagdating ng mga product sa amin, mga sira, may problema, depektibo. Sana maimbestigahan yan…Dapat mag nagbabantay sa mga iyan para maingatan ang pagha-handle sa mga product, maliit man o malaki ang halaga, magaan man o mabigat. Kailangan pag-ingatan nila, binabayaran namin yan.”

Bukod sa mga depektibong produkto, inirereklamo rin ng mga online buyer ang kulang na piyesa sa mga binili nilang gamit na resulta pala umano ng kawalang-ingat ng mga trabahador at hindi ng mga online seller na kumuha sa serbisyo ng J&T Express.

Mayroon ding humiling sa Department of Trade and Industry (DTI) na bawiin ang lisensya ng kompanya para hindi na umano ito pamarisan ng iba pang courier service.

Sa kanilang Facebook account, humingi naman agad ng paumanhin ang pamunuan ng J&T Express sa kapalpakan ng mga tauhan nito.

“We would also like to assure the public that this is an isolated case. All of our facilities, including our branches and warehouses across the country, are under 24/7 monitoring. We also follow strict protocols in handling the shipments and ensure that these are handled with proper care,” ayon pa sa pamunuan nito.

Sinagot naman sila ng mga netizen sa sinabing isolated case lang ito.

Amiel Fuentes: “I don’t think that the incident of mishandled parcels that went viral is an “isolated case.” In the past most of my online purchases delivered thru J&T have deformed packaging and with damages on the item. I don’t think that happened once, but a lot of times in the past. You need a reboot of your handling policies and how to monitor if your employees are complying to that policy. Make them realize empathy. Place themselves in the shoe of the purchaser. (Mia Billones)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?