50

JRU, SSC sipaan sa MOA

Sharing is caring!

Mga laro ngayon (MOA Arena)
11 a.m. – San Beda vs. CSB (jrs semis)
1 p.m. – Mapua vs. Letran (jrs semis)
3:30 p.m.- San Sebastian vs. JRU (srs)

Kapag bakbakan sa endgame, walang ibang kinakapitan si San Sebastian coach Egay Macaraya kundi sina veterans Michael Calisaan at Ryan Costelo.

Walang kapaguran sina Calisaan at Costelo, napatunayan ito sa playoff game nang kalusin ng Stags ang Letran para hawakan ang No. 4 spot sa Final Four ng 93rd NCAA basketball tournament.

“I’m very lucky to have players like Calisaan and Costelo, wala pa kaming pahinga since FilOil (tournament),” ani Macaraya.

Muling mapapalaban ang Stags sa isa pang knockout match, kontra No. 3 JRU sa first stepladder semifinals mamaya sa Mall of Asia Arena. Ang mananalo ay sasagupa sa San Beda sa ikalawang stepladder.

Dalawang beses inari ng Heavy Bombers ang Stags sa elimination round.

Binuno ni Calisaan ang one-game suspensiyon nang matalo ang Stags sa JRU 73-62 sa first round.

Nakalaro sa second round si Calisaan pero yumuko pa rin sila sa Heavy Bombers 60-58.

Ibabangga ni JRU coach Vergel Meneses sina Teytey Teodoro, Jed Mendoza at Ervin Grospe. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?