21

JRU minadali ng NU

Hindi na nagpaliguy-ligoy ang National University, niratrat nila sa tatlong sets ang Jose Rizal University 25-11, 25-15, 25-13 para makasiguro ng playoff sa semifinals sa Group A ng Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan kahapon.

Wala pang talo sa apat na laro ang Lady Bulldogs at nanatili sa tuktok.

Nagtulong sina 6-foot-5 Jaja Santiago, Risa Sato, Aiko Urdas at Jorelle Singh para lalong ibaon sa ilalim ang Lady Bombers na wala pang panalo sa apat na salang.

Ayon kay NU coach Babes Castillo, natutuwa na siya sa inilalaro ng kanyang mga bataan dahil nagagamayan na nila ang kanyang sistema.

“Close to getting satisfied na, yung system kita naman kanina, marami ng layers of attacks na nakikita,” ani Castillo. “And ‘yung defense system I think naiintindihan na nila ang sistema.”

Nagtala si Singh ng 13 points mula sa nine spikes at four service aces, may 12 si Santiago.

Bumakas din sina Sato at Urdas ng 11 at eight.

Tumikada si Shola Alvarez ng five points sa Lady Bombers.

Sunod na makakalaban ng NU ang Ateneo (3-1)na nasa No. 2. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?