274

Dec 15, 2017 @ 17:04

JRU guard Gio Lasquety, pinakabatang coach ng D-League

Sa unang pagkakataon ay magkakaroon ng pinakabatang coach ang PBA D-League.

Ito’y sa katauhan ni Jose Rizal University (JRU) guard Gio Lasquety, 23-anyos, na imamando ang Heavy Bombers sa paparating na Aspirants Cup sa Enero kapalit ni dating JRU head coach Vergel Meneses.

Ang JRU team ay isa sa pitong koponan sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Magiging team manager naman si Meneses ng JRU, ayon sa Spin.ph.

Naging do-it-all veteran guard umano kasi si Lasquety na nanguna sa Heavy Bombers sa semifinal finish at hindi pinalad sa Final Four sa Season 92.

Bilib umano si Meneses sa mataas na basketball IQ ni Lasquety at naniniwala siya na papunta ang career ng beteranong basketbolista sa pagiging coach.

“Magaling magbasa ‘yung bata. Alam niya ‘yung mga nangyayari sa loob ng court at kung ano gagawin ng kalaban,” ani Meneses.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?