46

Dec 19, 2017 @ 12:40

Jr. NBA World Champs, aarangkada sa US

Magsisimula ng isang international youth basketball tournament ang NBA na ang format ay tulad ng sa baseball’s Little League World Series.

Bukas para sa batang babae at lalaki na may edad 14 pababa ang Jr. NBA World Championship.

Sinabi umano ng namumuno sa liga na lalaruin ito sa Agosto 7-12, 2018 sa ESPN Wide World of Sports Complex malapit sa Orlando, Florida, ayon sa AP.

Aabante ang walong mananalong team mula sa US regional tournaments (Central, Mid-Atlantic, Midwest, Northeast, Northwest, South, Southeast at West) sa world championship.

Ang walong international teams ay magmumula sa mga bansang Africa at Middle East, Asia Pacific, Canada, China, Europe, India, Mexico at South America.

Kinabibilangan ng round-robin, susundan ng single-elimination boys and girls tournaments ang US at international brackets at ang US champions ay haharap sa international champions sa Agosto 12.

Ayon umano kay NBA Commissioner Adam Silver, layon nito na mai-promote ang basketball sa mga kabataan sa buong mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?