56

May 14, 2018 @ 17:55
By

Jr. Blu Girls natalo-nanalo

HINATI ng Pilipinas ang unang dalawang salang sa siklab kamakalawa ng 7th Asian Junior Women’s Softball Championship 2018 sa The Villages Softball Field sa Angeles City.

Saltong ma-tag sa pangatlong senaryo ni Royevel Palma si Xie Jia Xin na naka-seventh stanza game-clinching home run upang matapilok ang world No. 15 host Philippines sa no. 12 China, 0-1, sa umaga.

Pero pagbalik kinahapunan sa diamond, mabangis na bumawi ang Junior Blu Girls ni coach Isaac Bacarisas sa 19-under event, pinaliguan ang no. 47 Thailand, 15-0.

Toka kahapon sa dalawang asignatura ang Nationals kontra Malaysia at no. 5/defending champion Chinese Taipei sa isang linggong hambalusan na ang top three finishers ang mga susulong sa 2019 WBSC Junior Women’s Softball World Championship sa Irvine, California, USA.

Pati ngayon laban naman sa no. 38 India at no. 23 Korea saka sa huling araw bukas ng prelims, vs no. 2 Japan. May 36-game event ang teams sa single round robin, na ang top 4 ang magtatagpo sa playoffs. Ang Finals ay sa Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?